Bilang isang babae, ito ang masasabi ko. Ang mga lalaki ay parang FOOTWEAR. High heels. Pumps. Stilettos. Wedges. Sneakers. Rubber shoes. Boots. Sandals. At s’yempre, ang TSINELAS. —
HIGH-HEELED FOOTWEARS. Kung titignan mo sila. Sobrang ganda. Poised. Classy. Elegant. Sinong matinong babae ang hindi gugustuhing magkaro’n nito kahit isang pares lang? Parang boyfriend lang. Sinong matinong babae ang hindi gugustuhing magkaro’n ng isang gwapong boyfriend? Kaso, high-maintenance. Kailangang alagaan mabuti para hindi masira. Minsan, sa bandang huli, masakit na siya sa paa. Nakakapagod.
FLATS. Pang-porma. Pang-labas-labas. Saktuhan lang. Normal kumbaga. Parang boyfriend lang. Mga normal na lalaking umibig sa isang simpleng babae. Pero minsan, ‘pag nasira, wala nang pag-asa. Or worse, ipagawa mo na lang sa iba.
At syempre papahuli ba naman ang,
TSINELAS. Pwedeng gamitin pang-araw-araw. Sa loob at labas ng bahay. Sanay ka. Komportable. Parang boyfriend lang. Ang gusto ng isang babae, kung saan sila komportable. Ang tsinelas, pag napigtal, gagawin ang lahat para maayos. Sisingitan ng pardible. Igu-glue. At kung anu-ano pa. — Hindi ko sinasabing, palaging nakakasakit ang mga gwapo at pogi. Hello?! Babae din ako. S’yempre nagkaka-crush din ako sa mga poging papa. Ang punto ko dito ay, mas gusto ng mga babae lumagay kung saan sila MASAYA at KOMPORTABLE. LOVE is not beyond the physical traits of a person.
BABAENG TSINELAS din ako. ^___^ Anonymous said: WOW, I just lost a bunch of weight using the OFFICIAL TUMBLR DIET!! Are u using it as well?
Ang kulit talaga nito. Sarap upakan. DOTA na lang oh!
|